Paglalayag Sa puso ng isang bata
Isang araw ay ginunita ng guro ang pinagsamahan niya at ng kanyang
mabuting estudyante. Inilarawan niya ang kanyang estudyante bilang
pinakamaliit at pinakapangit sa buong klase na mayroong kakatuwang punto
na nagpapakilalang siya ay taga-ibang lugar. Ngunit sa kabila nito,
siya ay palaging nagpapaiwan tuwing hapon sapagkat tumutulong siya sa
mga tagalinis, tinutuwid ang mga upuan at bago umalis ay lumilingon
upang magsabi ng “Goodbye,teacher!” At di nagtagal, nalaman ng guro na
siya ay munting ulilang galing sa lalawigan na lumuwas sa malaking
lungsod upang mamasukan kung kaya’t napagtanto ng guro na maliban sa
itsura, ang mga iyon ay dahilan din ng kanyang madalas na pag-iisa.
Simula nang kanyang malaman ang tungkol dito, tinatawag na niya ito ng
madalas sa klase at pinapagawa ng mga mumunting mga bagay para sa kanya.
Doon ay nakabuo sila ng tahimik na pagkakaibigan ngunit isang araw ay
napagbaligan ang estudyante ng kanyang init ng ulo at dama niya ang
labis na pagkalungkot ng bata. Subalit kahit ganoon ang nangyari, hindi
pa rin nakalimot ang estudyante sa mga ginagawa niya para sa guro sa
araw-araw. At dahil sa ginawang ito ng bata, nasabi ng guro sa kanyang
sarili na ang kanyang mabuting estudyante ay kanyang nagging guro.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento